Pangasinan Provincial Capitol in Lingayen
Ang Pangasinan ay isang lalawigsn ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometres (2,104.65 sq mi). Ayon sa senso noong 2010, ang populasyon ay nasa 2,779,862. Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog. Ingles at Filipino ang kadalasang wika dito at ang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan. Pangasinense ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan sa gitang bahagi ng Pangasinan at Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi ng lalawigan. Ang Bolinao ay may sariling wika.
Kulturang Pangasinan. May ibat-ibang kaugalian at pamumuhay. Tulad nalamang sa Bolinao, Pangasinan, ang sinaunang pamumuhay ng mga tao rito ay ang pangingisda. Hindi ito maikakaila sapagkat napapaligiran ito ng mga anyong tubig tulad ng mga dagat, ilog atbp. Ganoon din sa bayan ng Agno at Lingayen. Bawat lugar ay may ipinagdiriwang tuwing piyesta. Noong una pa lamang ay pangingisda na ang ikinabubuhay ng mga taong malapit sa mga baybayin at maging sa ngayon ay pangingisda pa rin at dahil sa pagiging modernisado natin ngayon ay nakakagawa na rin sila ng mga porselas na gawa sa kabibi at iba pang mga palamuti na may ibat-ibang disenyo na maaaring gawing dekorasyon sa bahay. Sa bayan naman ng Bani, karaniwang ipinagdiriwang dito ang bibingka festival at pakwan festival. Noong una ang kanilang idinaraos ay ang bibingka festival kung saan makikita ang pagtatagisan ng galing sa pagsasayaw ng ibat-ibang kalahok na mula rin sa bayang ito.
Maraming makukulay at nagsisigandahang kasuotan ang gamit ng bawat kalahok sa paligsahan na animo'y kasuotan pa ng matatanda noong nakaraan. Nung nakaraang taon nama'y ipinagdiwang rin ang pakwan festival kung saan gumamit pa ang ibang kalahok ng pakwan bilang kagamitan sa pagpapaganda ng presentasyon. Kilala ang bayan ng Bani sa prutas na pakwan. Ang mga pakwan naito'y malalaki, matatamis, pabilog ang hugis, matubig at mabigat. Sabarangay ng Banog sinasabing may maraming plantasyon ng pakwan.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bayan ng Bani ayang agrikultura. Malapit ito sa mga kapatagan at kabundukan. Karaniwang produkto na itinatanim rito ay ang palay, mais, pakwan, mangga at tubo. Maraming mamamayan ang lubos na umaasa sa mgakapaligiran. Sila'y nagtatanim ng ibat-ibang klase ng gulay tulad ng ampalaya, kalabasa, talong, okra, sitaw atbp naitinitinda nila sa mga palengke upang may pantustos sa mga pangangailangan nila sa araw-araw.
Sinasabing noong unang panahon, ang bawat pananim ay hitik na hitik sa mga bunga na sa ngayon ay di na gaano dahil sa papalit-palit na klima epekto ngGlobal Warming. Marami rin ang mga nag-uuling sa kabundukan kaya't kapag may malakas na bagyo o matagalang pag-ulan ay may mga bayang nalulubog sa baha tulad ng San Jose at Arwas.
Sa paraan naman ng pananamit sa bayang ito makikita ang pagkakonserbatibo ng mga matatanda noong una. Sa mga babae ang mga kasuotan ay bestida, kimona at pandiling. Hindi sila nagsusuot noon ng mgapantalon sapagkat ito'y panlalaki. Sa mga lalaki naman ay mga damit na may mahahabang manggas na kung minsan ay ginagamit nila sa pagsasaka,sando at hindi kapit na pantalon o barong tagalog. Simple lamang noon ang kanilan pananamit. Sa kasalukuyan naman dahil sa pagigingmodernisado ng ating bansa, iilan na lamang ang nagsusuot ng mga nabanggit. Karamihan na ngayon ay sunod sa uso, tulad ng pananamit ng maiiksing palda, kapit na pantalon at iba pa na kasuotan lalo na kung imported o galing sa ibang bansa.
Sa panliligaw naman, noong una ang mga lalaki ay nakasuot ng medyo pormal na kasuotan kapag mang haharana sa isang dalaga. Hindi biro noon angpanlilligaw. May iba pa na kailangang magsibak ng kahoy, mag-igib o magsalok ng tubig at magluto. Dahil sa pamamagitan nito masasabing seryoso ang isang binata sa panliligaw sa isang dalaga. Noon ding una kapag nahawakan ng isang binata ang kamay ng dalaga, kailangan niya itong pakasalan. Ngayon naman sakasalukuyan, ang panliligaw ay di na gaanong mahirap, wala ng gaanong romansa.Mas madali ng maging magkarelasyon ang isang binata at dalaga sa pamamagitan ng panliligaw lamang sa text o kaya pagsusulat ng liham.
Sa kabilang dako naman, masasabing mas maagap o masmasipag ang mga tao noon kaysa sa ngayon. Ito ay dahil sa ang mga tao noon ay di gumagamit ng modernong teknolohiya sa pagsasaka, at mga natural lamang ang kanilang ginagamit sa pagtatanim kayat ang mga lupa ay matataba at malusog. Sa ngayon karamihan ay tamad na dahil sa epekto ng modernong teknolohiya kung saan lubos silang umaasa kaya't hindi na gaanong nagagamit ang mgakatawan sa pagbibilad sa sikat ng araw tuwing anihan at iba pang trabaho sa bukid. Dahil rito sinasabing mas malakas ang mga tao noon at mas mahaba ang buhay dahil sa pagiging maagap at dipag-asa sa modernong teknolohiya.
MGA LUGAR NA DAPAT PUNTAHAN SA PANGASINAN:
Bolinao Falls 1
Manaoag Church
Tayug Sunflower Eco Park
Villa Soledad Beach Resort
Cape Bolinao Lighthouse
Cape Bolinao
Abagaten Beach Resort
Aquatica Marina Water Park
Tambobong Beach
Wonderful Cave in Bolinao
Antong Falls
Mount Balungao
Heograpiya
Pampulitika
Ang lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa 44 bayan, 4 na lungsod, at 1,364 na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng Pangasinan.
Demograpiya
Populasyon
Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na Pangasinan o sa Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga Pangasinan. Ikatlong pinakamataong lalawigan ang Pangasinan saPilipinas. Ayon sa senso noong 2000, 47 bahagdan ng populasyon ay mga Totoon Pangasinan at 44 na bahagdan ay mga Iloko.
Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pangingisda dahil sila ay nasa tabing-dagat. Pinagkakakitaan din nila ang Saltfarm o Asinan. Halimbawa nito ay ang Asinan sa Dasol.
Halimbawa ng mga Pangasinenseng nagdiriwang ng Iba't-ibang Festival:
Sigay Festival
Bagoong Festival
Talong Festival
No comments:
Post a Comment